SA PANGIL NG AHAS
Wika ni Dr. Jose Rizal: "Kaml ay naniniwala na ang isa
ay hindi makapagsisilbi sa Bayan ng mas mabuti pa kaysa
ihayag sa kanya ang katotohanan." Sang-ayon dito, aking
ibubunyag sa minamahal kong Inangbayan ang isang
katotohanan na malaon nang natatabunan: ANG KRUS AY KAHOY NG KAMATAYAN. ITO ANG SALOT SA ATING LIPUNAN!
Masagana ang buhoy ng mga ninuno natin noon.
Nagmamahalan sila at mapayapang sumasamba sa diyos na
kung tawagin nila ay, ABA (Ama ng PanginoongJesukristo).
Nang dumating ang kawan ni Magallanes sa ating
dalampasigan ay nagsimulangkumalat ang dilim at lagim.
Pahayag ni Rizal: "Kamatayan lagi ang pangunahing
tanda ng Europyanong sibilisasyon nang pasukin nito ang
Pasipiko: at huwag sanang ipahintulot ng Diyos na sa wakas
ay kamatayan pa rin, dahil base sa mga pangyayari, ang mga
pulo habang sinisibilisa ay nalalagas ang populasyon. Ang
unang pananaig ni Magallanes mismo pagdating sa Marianas
ay ang panununog ng sobrc 40 kabahayan, maraming
sasakyan-pandagat at pitong tao."
Ayon kay Pigafetta, mabait ang ating mga ninuno. Sa
pulo ng Mazaua pinatuloy, pinakain at hindi pinigil si
Magallanes na iturok ang maitim nilang krus sa toktok ng
maaliwalas nating lupain. Lumipas ang ilang taon. sumampa
naman si Legazpi hinahanap ang mala-paraisong pulo na
tinurokan ng krus. Ngunit labis siyang namangha dahil
naging miserable na ito at iilan na lang ang nabubuhay rito!
Ang lahing dati'y mapagmahal na tumanggap kay Magallanes,
ngayon ay may poot na. At nang lumapit ang pangkat ni
Legazpi ano't umilag ang mga tao at nagsipamundok!
Nag-ibayo ang pananalasa ng mga Kastila sa nanlupaypay
na kabayanan. Sa ilalim ng kautusan ng Roma, muling itinirik
ang krus sa Limasawa upang bigyang parangal ng magagaling
na paring Espanol. Walang magawa kundi pumayag ang mga
bihag ni haring Pilipi. Nakipagdiwang na rin sila sa paanan ng
dugoang krus sa kabila ng paghihikahos. Lalo na ng ginawa
itong tourist shrine, laki ng tuwa ng mga Leyteno sa dala
nitong konting pera. Subalit hindi nagtagal isa-isang
sumalanta ang mga kalamidad sa Leyte. Hinahatak na ni
Satanas ang bawat biyaya na ipinain niya sa paligid ng krus.
Sabit sa bingwit ang kaluluwa ni Juan dela Cruz!
Rumagasa ang mga bagyo, baha, at alon: 6,000 ang
patay sa Leyte, Lumindol at dumaos-os ang lupa: 105 ang
nasawi sa Panaon. Natibag ang bundok at sumabay sa agos
ng tubig: natabunan ng buhay ang daan-daang tao sa putik
at nasira ang milyon-milyong halaga ng ari-arian at
kabuhayon sa Guinsaugon. Malupit na kataksilan! Ang kahoy
ng kamatayan ay walang ibubunga kundi kasiraan at
pagdurusa lamang. Nagbabaga ngayon ang luha sa mga mata
ng naulila. Ganito rln kasakit ang nangyari sa Bocaue noong
1991. Kalunos-lunos ang trahedyang naganap so prosesyon
ng pagoda lulan ang krus. Tatlong daang deboto rin ang
nailumos ng demonyo sa ilog ng Wawa. At animo'y gutom na
aso naghahanap pa ito ng iba pang malalapa. Lahat ng Bayan
na yumakap sa krus ay walang awang pinagagapang sa hirap
hanggangmagkabalyahan kahit kapamilya, at magkamatayan.
Oo, maging ang Anak ng Diyos ay kinatay rin ng magagaling
na sundalong Romano sa lintek na iyan!
Mapalad ang bayan no hindi napurohan ng romantikong
halimaw. Dugo at luha ang kumalat sa lansangan ng mga
bayan na naisahan ng toso. Masdan mo ang mga bansa sa
Latin Amerika katulad din natin na pasan ang krus, umuusad
sa tuhod, namumutla at parang mga bulaklak na nalanta sa
kamay ng marahas. Tunay na ang krus ay sungay ni Satanas!
Alam natin na sisisihin na naman ng ilan ang Diyos at
mga opisyales ng pamahalaan sa malagim na nangyari dito sa
Leyte. Sesermonan naman ng mga magagaling ang Mayor,
Kapitan, mga Kagawad ng DENR at mga Alagad ng Batas.
Masaya ang Diyablo absuelto na naman ang kanyang
magaling na simbahan. Bida pa rin ang krus ng Limasawa na
handog sa atin ng magaling na Roma. Tuloy ang pag-iidolo ng
mga Leyteniyo dito. Segurado, sasaksakan naman ng
dambuhalang krus ang ibabaw ng Guinsaugon tulad ng ginawa
ng mga kampon ni kamatayan sa sementeryong lumubog sa
Camiguin. Ang mangyayari, Sa paanan ng krus uli luluhod at
mag-aalay ang mga kamag-anak ng nasawi. Sa kanilang
pagluluksa hindi nila mamamalayan na sila rin ay nabubuyo sa
bitag ng kamalasan! Sa Bocaue.lalong pinarangalan ang krus
matapos ang sakuna, dahil ayon sa marunong na paring
Ersando parang humaba raw ng dalawang pulgada ang krus
nang maiahon ito mula sa ilog. Por vida padre, himala ba ang
dalawang pulgadang kahoy kapalit ng tatlong daang buhay?
Kawawa kong Bayan, kailan ka pa matatauhan? Kailan ka pa
mumulat at babangon?
Salita ng Panginoon: "Sa bunga malalaman ang puno.
Ang mabuting puno aY hindi nagbubunga ng masama..."
Pagnilay-nilayan mo sana ito at itakwil na ang kasumpasumpang
kasinungalingan na ang krus ay banal. Idilat mo ang
iyong mata: walang banal na krus -- walang banal na
bitayan! Kung batid mo lamang ang karumal-dumal na bangis
ng krus mula sa krusipiksyon at persekusyon hanggang sa
krusada at inkwesisyon, mandidiri ka at masusuka sa dugong
dumanak sa lupa! Makinig ka: walang krus sa langit,
dahil mahigpit na ipinagbawal ng Diyos ang mga instrumento
ng dahas sa santuaryo ng mga banal. Ang krus ay angkop
sa kamay ng mga berdugo, at ang pabrika nito ay nasa
yungib ng mga mamamatay-tao! Ang mga promotor ng krus
ay matataas na uri ng kriminal na mas masahol pa sa
terorista. Sapagkat hindi lang katawan ng tao ang kanilang
ibinubulid sa sementeryo kundi pati kaluluwa, sa impiyerno
May masamang espirito na bumabalot sa krus, kung kaya't
ang mga katutubong kultura ng liwanag at buhay ay
naaagnas sa kanyang harapan hanggang maging bungo ng
takipsilim at sigalot, at kalansay ng kabiguan at pagtangis!
Pinagsuot ng puting bestida at pinagmukhang baklang
tupa ang nagpapairal ng kasinungalingan, kaya't hindi
nakapagtataka na sa mahinhin nilang anyo, malinlang ang
sambayanan sa loob ng mahabang panahon. Tuklasin mo ang
katotohanan: ang krus ay madayang sandata ng pananakop
at linta ng pagsasamantala. Ang nakasisindak, may dala pala
itong pitong sumpa sa bawat matatakan na alipin at lupain!
Napakalaking kasalanan sa Bayan ang nagawang
panggugumon sa utak ng mga Pilipino sa kalokohan ng krus.
Ayon sa ating dakilang bayani: "Ang dayain ang tinubuang
lupa ay pinakamalubhang krimen sa lahat ng krimen." Diyos
na ang bahalang magpatawag sa kanila.
Ang ating Bayan ay may sakit, malubha. Siya ay
naghihintay ng ating malasakit, ng inyong awa. Sino ang
lilingap sa Kanya kung hindi tayo na mga anak Niya? Saan
man naroroon, pagtulongan nating mapigil ang pagtutulak ng
drugang krus sa ating paligid. At kung, sa habag ng langit,
maunawaan mo na ang lahat, sagipin mo ang ating mga
kababayan na ngayon ay nakahandusay at naiipit sa ilalim ng
mabigat na krus. Ang artikulong ito ay maaari mong
paramihin at ipamigay. Bawat maimulat mong kababayan
natin ay may katumbas na pagpapala sa inyong buhay at
bahay -- sapagkat ang kanyang kaluluwa ay inyong nailigtas
mula sa makamandag naPANGIL NG AHAS!
Monday, April 5, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)